“Wala pa rin po kaming balita mula sa Congress kung kailan idaraos ang napipintong Special elections ng Lipa.”
Ito ang tinuran ng hepe ng local Comelec ng Lipa City at ng isang kawani ng city hall nang mag-followup ang Opinyon Batangas nitong Martes (19 March 2024) tungkol sa napipintong Special Elections sa nabakanteng puwesto ni SenCongSec Ralph Recto para sa lone legislative district ng lungsod.
“Baka po sa pag-resume na po muli ng 19th Congress pagkatapos ng Holy week break magkaroon ng linaw sa schedule ng Special Elections sa Lipa,” dagdag pa ng insider ng city hall.
Ang month-long Holy Week break ng 19th Congress ay nagsimula noong Miyerkules (20 March 2024) at muling magre-resume sa Lunes (22 Abril 2024).
Naging bakante ang puwesto ng representante ng Lipa City sa 19th Congress matapos na i-appoint ni Pangulong Marcos si SenCongSec Ralph Recto bilang kalihim ng Department of finance noong January 12, 2024.
At wala siyang naranasang hirap sa kanyang kumpirmasyon noong Miyerkules, Marso 13, 2004.
Kumpirmasyon
Katunayan, lahat ng mga kasapi ng Komisyon sa Paghirang (CA) ay pumayag na aprubahan ang ad interim na paghirang kay Recto bilang Kalihim ng Kagamitan at Pananalapi.
Bilang chairperson ng CA Committee on Finance, sinuportahan ni Senador Ramon Revilla Jr. ang paghirang ng kanyang dating kasamahan sa Senado matapos ang maikling deliberasyon ng panel.
"Sa kanyang pamumuno, alam nating nasa mabuting kamay ang Kagawaran ng Pananalapi," ani Revilla.
"Sa pamamagitan ng kanyang matinding pag-aalaga sa detalye at walang sawang pagtataguyod ng kabutihan, marami sa mga hakbang na ipinakita ng institusyong ito ay binuo at pinahusay para sa kapakinabangan ng bansa," dagdag pa niya.
Sa panahon ng deliberasyon, sinabi ni Recto na nasa plano ng administrasyon Marcos na palakasin ang mga pamumuhunan sa pamamagitan ng pagbawas ng gastos sa pagnenegosyo, pagpapadali sa pagpapatakbo ng negosyo, pagpapabuti sa regulasyon, at pagtatapos ng mga hadlang.
"Sa aking pananaw, ang pinakamabuting paraan upang maitanim ang pagtalima sa buwis ay sa pamamagitan pa rin ng pagpapalaganap ng pagbabayad at ipakita na ang mga buwis na maayos na nakolekta ay epektibong ginagastos," aniya sa panel.
Sa tulong ng mga mambabatas, sinabi ni Recto na maaaring maipagawa ang mga estratehiya upang maayos na maipamobilisa ang mga pondo at maiwasan ang pagtagas para pondohan ang paglago at pamahalaan ang utang.
"Ang lahat ng ito habang pinanatili ang mga pamumuhunan sa imprastruktura at pagpapaunlad ng kapital ng tao," dagdag niya.
Pinangako rin niya na patuloy na ipatutupad ng DOF ang mga hakbang na magpoprotekta sa mga mamimili mula sa inflasyon na isang "di-batas na buwis na hindi dapat pasanin ng mga tao."
Tatlong termino
Nagsilbi si Recto sa kanyang unang tatlong termino bilang miyembro ng House of Representatives mula 1992 hanggang 2001 sa pamamagitan ng pagtuon sa mga repormang pang-ekonomiya at pag-alis sa kahirapan.
Siya ay sa huli'y nahalal bilang pinakabatang senador ng 12th Congress sa edad na 37 kung saan siya ay naging chairman ng Komite sa Mga Paraan at mga Pamamaraan (Ways and Means), pati na rin ang Komite sa Kalakalan at Komersyo mula 2001 hanggang 2007 at mula 2010 hanggang 2022 bilang Senate Minority Leader at Senate Pro Tempore.
Mayroon ding pagkakataon si Recto na maglingkod ng pansamantalang bilang punong tagapagtaguyod ng Pambansang Pang-Ekonomiya at Pag-unlad sa panahon ng administrasyon ni Arroyo noong 2008.
Siya ay kinatawan ng ika-6 na distrito ng Batangas at House Deputy Speaker bago nagpasya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na halinhan niya si Ben Diokno bilang pinuno ng DOF nitong Enero.
Vilma Santos pa rin
Tahimik pa rin ang buong lungsod ng Lipa sa kung sino ang nararapat at karapatdapat na pumuwesto o umukopa sa lone district ng Lipa City.
Ngunit ayon sa mga Lipeno, hindi malayo ang posibilidad na si dating Congresswoman Vilma Santos-Recto ang siyang kumandidato sakaling magtawag ng Special Election ang Comelec.
Ito rin anila ang dahilan kung bakit walang nagpapakita ng interes na sumugal ang sinuman na lumaban dahil “bagyo” pa rin diumano ang dating sa tao ng mga Recto sa Lipa kung saan nagsilbi rin alkalde ang Star For All Seasons ng matagal na panahon.
Napatunayan ito nitong nakalipas lamang na Marso 14-16 2024 na yugto ng Barako Festival na pinangunahan ng “power couple” na talaga namang dinagsa ng tao.
“Para kang bumangga sa pader niyan kapag nilabanan mo si Vilma Santos,” sambit pa ng Lipenong namamasukan sa city hall.
“Magsasayang ka lang ng panahon, pera at pagod niyan tiyak. Kung muling tatakbo si Vilma (Santos) malamang na walang maglakas-loob na lumaban riyan. ‘Yan ang siniseguro ko,” dagdag pa niya.
Ang 70-year-old na actress-politician ay nagsilbi rin bilang 22nd governor ng Batangas mula June 30, 2007 hanggang June 30, 2016.
Bagama’t sinasabi niyang “walang akong balak bumalik sa Kongreso” sa mga movie scribes, malakas naman ang messaging at presensya niya sa buong lungsod ng Lipa.
Naroon lagi ang kanyang imahe sa bawat naka-display na naglalakihang mga tarpaulin kasama si SenCongSec Recto na nakakabit sa mga overpass, sa mga gilid ng daan, at sa mga bagong proyektong binuksan sa Lipa.
Special Elections order
Ayon naman sa hepe ng local Comelec office ng Lipa, magmumula muna ang order ng Special Elections sa Kongreso.
Pagkatapos ito’y ipapadala sa national office ng Comelec na siya namang magbababa ng kautusang magdaos ng Special Elections sa local government unit.
“Yan po ang proseso,” wika ni Atty. Orense, hepe ng Lipa Comelec.
#WeTakeAStand #OpinYon #CoverStory