‘Linis-Ilog’ sa San Pablo City
OpinYon Laguna

‘Linis-Ilog’ sa San Pablo City

Nov 25, 2025, 7:17 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Hindi lamang sa mga bayan at lungsod malapit sa Laguna de Bay magkakaroon ng malawakang hakbang upang maging malinis ang mga ilog at iba pang daluyan ng tubig sa lalawigan ng Laguna.

Sa San Pablo City, halimbawa, nakatakda nangsimulan ng lokal na pamahalaan ang paparating na 2026 nang malinis at alerto laban sa banta ng pagbaha.


Ibinahagi ng tanggapan ng San Pablo City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ngayong Huwebes, November 20, ang ilulunsad nitong programa na “Linis Ilog” sa susunod na taon.


Pangungunahan ni CENRO Officer Dennis Ramos, katuwang ang mga tauhan ng City Solid Waste Management Office (CSWMO), ang malawakang paglilinis sa anyong tubig bilang bahagi ng programang pangkalikasan ni San Pablo City Mayor Najie Gapangada.


Para sa paunang hakbang, binisita ng mga kawani ng CENRO at CSWMO ang tatlong ilog na maaaring mapabilang sa Linis Ilog Program: ang Malinao River sa Barangay San Lucas I, ang Sabang Creek sa Barangay VI-B at Malaking Ilog na pinaghahatian ng Barangay San Isidro, Barangay Santiago II at Barangay San Bartolome.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #LinisIlogsaSanPabloCity


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.