Lineup ng Biñan Puto Latik Festival, inilabas na
Celebrations and Festivals

Lineup ng Biñan Puto Latik Festival, inilabas na

Apr 27, 2026, 5:55 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Pinasimple, pero pinasarap pa rin!

Ito ang pagtitiyak ng mga organizer ng Puto Latik Festival sa Biñan City, Laguna, sa mga turista at residente na inaasahang makikisaya sa nasabing pagdiriwang.


Inilabas na ng Biñan City LGU ang full lineup of activities para sa Puto Latik Festival, na nakatakda nang ganapin mula May 15 hanggang 23.


Gayong nauna nang inihayag ng pamahalaang lungsod na gagawing mas simple ang mga aktibidad bilang bahagi ng austerity measures dulot ng krisis sa langis, tiyak na mag-eenjoy pa rin ang mga bibisita sa mga event na nakalinya para sa nasabing pagtitipon.


Hindi mawawala ang pinaka-aabangang "Puto Biñan 2.0: The Biñan Cook-Off Challenge," kung saan ilalabas ng mga kalahok ang kanilang pagiging mapamaraan at pagkamalikhain sa pag-eenhance sa kilalang Puto Biñan ng lungsod.


Samantala, nariyan pa rin ang mga aktibidad na naglalayong itampok at payabungin pa ang angking talento ng mga Biñanense.


Kabilang na rito ang Puto Latik Costume Parade and Competition, Street Dancing Parade, Biñan Flair Challenge; Biñan Modern Dance Showdown; Biñan Youth Summer Talent Workshop Recital Show; Biñan Singing Idol; Usapang Kultura: The 9th Biñan Cultural Summit; at Biñan Modern Dance Showdown.


Nakatakda ring parangalan ng pamahalaang lungsod ang mga negosyong Biñanense na nakapag-ambag sa pag-unlad ng lungsod sa gaganaping City of Life Awards sa May 21.


Hindi rin mawawala ang mga public-service programs ng pamahalaang lungsod, kagaya ng Puto-Latik Mega Job Fair; Biñanense Family Fair; Veterinary Medical Mission; at ang paglulunsad ng Bida ang Privacy program ng City Data Privacy Council.


Ang Biñan Puto Latik Festival ay isang pagdiriwang na nagtatampok hindi lamang sa dalawang yamang kultural ng lungsod - ang Puto Biñan at ang sayaw na "Maglalatik" - kundi pati na rin sa angking talento ng mga Biñanense.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #PutoLatikFestival2026


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.