Libreng gallbladder operation sa QMC
Public Health

Libreng gallbladder operation sa QMC

Mar 24, 2026, 5:56 AM
Russel Roales

Russel Roales

Contributor

Umabot sa 56 na pasyente mula sa iba’t ibang distrito sa lalawigan ng Quezon ang nabigyan ng libreng operasyon sa gallbladder o apdo sa QPHN-Quezon Medical Center bilang bahagi ng patuloy na programa ng pamahalaan para sa serbisyong pangkalusugan.

Layunin ng inisyatibong ito na mabigyan ng ginhawa at bagong pag-asa ang mga kababayan na nangangailangan ng agarang gamutan ngunit walang sapat na kakayahang pinansyal upang magpaopera.


Naging matagumpay ang isinagawang surgical mission sa tulong ni 2nd District Board Member Doc Kim Tan at ng mga doktor at medical staff mula sa East Avenue Medical Center na tumulong upang maisagawa nang maayos at ligtas ang mga operasyon.

Lubos na pinasalamatan ng pamahalaan ang dedikasyon at malasakit ng mga medical professionals na naglaan ng kanilang oras at kakayahan upang mapaglingkuran ang mga pasyente.

Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan na palakasin pa ang mga programang pangkalusugan upang mas marami pang mamamayan ang mabigyan ng pagkakataong makatanggap ng dekalidad at libreng serbisyong medikal.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.