Pinangunahan ni Mayora Palicpic ng Pagbilao, Quezon ang libreng pagpapabakuna laban sa flu para sa mga miyembro ng Pagbilao Market Vendors Association (PAMARVA).
PAGBILAO, Quezon – Isinagawa noong Hulyo 6 ang libreng pagpapabakuna laban sa sakit na influenza (flu) para sa mga manggagawa sa public market ng bayang ito.
Photo by Municipality of Pagbilao Quezon, Facebook
Pinangunahan ni Mayor Shierre Ann Palicpic ang pagpapabakuna laban sa flu para sa mga miyembro ng Pagbilao Market Vendors Association (PAMARVA) sa covered court ng Barangay del Carmen.
"Ang mga maninindahan ay parte ng paglago ng ekonomiya ng bayan kung kaya minarapat na ibaba ang naturang programa para sa dagdag proteksyon ng mga PagbilaoWINS na araw-araw ay exposed sa maraming tao,” ayon sa alkalde.
Kasama ng Punong Bayan sina Dr. Riki J. Tolentino, Konsehal Dita Ayaton, Gigi Portes para ibigay ang serbisyong para sa kapakanan ng mga kababayan.
Tags: #OpinYonQuezonin, #Pagbilao, #fluvaccination