Nauwi sa trahedya ang masaya sanang inuman ng dalawang construction worker sa Biñan City, Laguna noong Lunes, March 2.
Dead on arrival sa ospital ang biktima na kinilala lamang sa alyas na "Ruel," 32 anyos at residente ng Halang Road, Barangay San Francisco ng naturang lungsod.
Ayon sa paunang ulat ng Biñan City police, naganap ang nasabing insidente habang nag-iinuman ang biktima kasama ang suspek na kinilalang si alyas "Jimboy," 27 anyos at residente rin ng nasabing lugar.
Habang nag-inuman umano ang dalawa ay bigla silang nagkaroon ng mainitang pagtatalo.
Sa gitna ng pagtatalo ay kumuha umano ng kutsilyo si "Jimboy" at pinagsasaksak ang biktima sa iba't ibang bahagi ng katawan.
Isinugod sa Biñan City Hospital si "Ruel" ngunit hindi na rin siya umabot nang buhay.
Isang follow-up operation na ang ikinasa upang madakip ang suspek na kaagad tumakas mula sa lugar matapos ang krimen.
(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

