Isang lalaki ang pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad matapos umanong bugbugin ang kanyang kapitbahay sa San Pedro City, Laguna nitong Linggo, August 11.
Ginagamot na ngayon sa ospital ang biktima na kinilalang si Ramil Evangelista y dela Cruz, residente ng Barangay Pacita 1, matapos magtamo ng pinsala sa kanyang ulo.
Batay sa ulat ng San Pedro City Police Station, bandang alas-singko ng hapon ng Linggo nang bigla umanong lumabas ng bahay ang suspek na kinilala lamang sa alyas "Welson" na napag-alamang lango sa alak.
Nang maabutan ni "Welson" ang biktima ay bigla na lamang umano niyang pinagpapalo ang biktima hanggang sa tumimbuwang ito.
Napag-alaman naman na ang bakal na tubo na ginamit ng suspek sa pambubugbog ay isa palang improvised shotgun o sumpak.
Nahaharap na ngayon sa kasong frustrated homicide si "Welson" na tumakas matapos ang insidente.
Photo courtesy: Abante Tonite
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews