Lasing, nalunod sa resort
Accidents

Lasing, nalunod sa resort

May 26, 2025, 5:57 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Paalala sa mga magbabakasyon ngayong tag-init: kapag nag-inuman na, bantayang maigi ang inyong mga kasamahan.

Isang lalaki ang nalunod matapos malasing sa loob ng isang resort sa Calamba City, Laguna nitong nakaraang Sabado, May 18.

Kinilala ang nasawi na si alyas "Art," 23 anyos at residente ng Barangay Santa Ana, Pateros, Metro Manila.

Ayon sa salaysay ng mga kamag-anak ni "Art," naganap ang nasabing insidente sa loob ng isang private resort sa Barangay Pansol, Calamba City, Laguna.

Nasa gitna umano ng inuman ang magkakamag-anak nang ilan sa kanila, kabilang na ang biktima, ay nagkayayaang lumangoy sa pool.

Nang umahon ang isa sa kanila mula sa pool ay doon na nila nakita ang biktima na nakalubog sa malalim na bahagi ng pool.

Naiahon pa mula sa tubig ang biktima at naisugod pa sa Dr. Jose P. Rizal Memorial District Hospital ngunit idineklara siyang dead on arrival sa nasabing pagamutan.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)


#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.