Hanggang saan aabot ang piso mo?
Kung ikaw ay isang estudyante, mayroong programa ang Land Bank of the Philippines na pinapadali ang pagbubukas ng savings account.
Ito ang ginhawang handog ng Perang Inimpok Savings Options (PISO) Account, kung saan ang minimum initial deposit ay P1.00 lang.
Higit na angkop ito upang maituro habang maaga ang kahalagahan ng pag-iimpok at financial literacy para sa kabataan.
Parehong layunin din ang nais masakatupuran ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) matapos ang isinagawang “Kayang Kaya Sumakses Caravan” noong Lunes, Marso 23, sa Jacobo Z. Gonzales Memorial School of Arts and Trades sa Biñan City, Laguna.
Kabilang sa mga dumalo dito sina Deputy Director General Galo Glino III at TESDA IV-A Regional Director Jovencio Ferrer, Jr. bilang pagbibigay suporta sa JZGMSAT 67th Commencement Exercises at paglulunsad ng PISO LandBank Account.
Masayang ibinalita ni Glino III ang pinakabagong inobasyon ng naturang ahensya upang mapadali ang pagbibigay nila ng tulong-pinansyal para sa mga TESDA Scholar.
“Kaya po sa pangunguna ni Secretary Kiko Benitez, we forged this partnership with LandBank kung saan we will facilitate itong paggawa ng accounts ng mga estudyante.
Magkakaroon sila ng account sa Landbank with just P1 na deposit. At dito na po sa account na ito ay ire-release yung allowance po nila,” dadgag pa niya.
Kung dati na kinakailangan pang pumila sa nasabing ahensya at bangko, ngayon ay online na ang release ng allowance.
“Alinsunod po ito sa directive ng ating Pangulong Bongbong Marcos na pabilisin at padaliin ang serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno at ilapit talaga—maging mas accessible ang serbisyo ng gobyerno sa ating mga kababayan.”
Tunay din na malinaw ito dahil maging ang proseso sa pagbubukas ng isang account hanggang sa pagpapanatili nito ay pinadali na para sa estudyante.
“There are documentary requirements. You have to fill out a form, and then you have to submit an ID.
But ang pinakamahalagang matandaan natin, walang kailangang malaking deposit at wala din pong maintaining balance.”
Bilang ahensya, pangako nila na patuloy silang tutugon sa mga napapanahong suliranin ng mga Pilipina upang makapagbigay ng mas mabuting serbisyo.
“This is really part naman po of LandBank's effort to promote inclusion, financial inclusion. Kaya kami po sa TESDA, sasabay po kami sa takbo ng journey na yan to digitalize, create, promote, include mechanisms to have financial inclusion for our local businesses.”
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

