Lalamove rider, binaril ng holdaper
Accidents

Lalamove rider, binaril ng holdaper

Mar 31, 2026, 2:01 AM
Sol Luzano

Sol Luzano

Writer

Maswerteng hindi napuruhan ang isang 26-anyos na rider ng Lalamove matapos siyang barilin ng dalawang hindi nakikilalang suspek sa Barangay Concepcion Palasan, Sariaya, Quezon kamakailan.

Kinilala ang biktima sa pangalang alyas "Chester," na ayon sa ulat ay tinamaan ng bala sa kaliwang braso at sa parehong hita.

Batay sa paunang ulat ng Sariaya Municipal Police Station, naghihintay lamang ang biktima ng susunod na biyahe o pickup transaction nang biglang dumating ang mga salarin sakay ng isang motorsiklong Honda Click.


Agad na ipinahayag ng mga suspek na sila ay nagsasagawa ng holdap habang itinutok ang baril sa biktima.

Mabilis na naagaw ng mga salarin ang cellphone ng biktima.


Subalit bago pa pa tumakas, isa sa mga ito ay nagpaputok ng baril at tinamaan ang biktima.


Kaagad dinala sa Candelaria United Doctors Hospital si alyas "Chester" na nasa maayos na umanong kalagayan habang sumasailalim sa gamutan.

Ayon sa paglalarawan, ang mga suspek ay nakasakay sa itim na Honda Click. Pareho silang nakasuot ng helmet at nakadamit ng mga jacket na kulay itim at light brown.

Sa kasalukuyan ay nagsagawa ang mga awtoridad ang dragnet operation upang matunton at madakip agad ang dalawang suspek upang mapapanagot sa kanilang ginawang krimen.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.