Paalala sa mga kalalakihan: huwag basta-basta umihi kung saan-saan.
Ito ang masakit na leksyon na natutunan ng isang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng isang security guard matapos siyang umihi sa isang poste malapit sa isang subdivision sa Santa Rosa City, Laguna nitong madaling-araw ng Linggo, April 20.
Dinala sa Santa Rosa Community Hospital ang biktima na kinilala lamang sa alyas "Jeff" matapos magtamo ng tama ng bala sa kanyang mga binti.
Ayon sa ulat ng Santa Rosa City Police Station, naaktuhan umano ng hindi pinangalanang suspek, na nagbabantay sa showroom ng isang subdivision sa Barangay Balibago, ang biktima na umiihi sa isang poste sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat ng Santa Rosa City Police Station, naaktuhan umano ng hindi pinangalanang suspek, na nagbabantay sa showroom ng isang subdivision sa Barangay Balibago, ang biktima na umiihi sa isang poste sa nasabing lugar.
Nasa gitna na umano ng kalsada ang biktima nang bigla na lamang siyang pinaputukan ng baril ng suspek.
Kaagad na humingi ng tulong ang biktima sa iba pang mga guwardiya sa lugar, na naghatid sa kanya sa ospital.
Ayon sa mga guwardiyang nakausap ng mga awtoridad, may mga naiulat nang insidente ng nakawan sa naturang lugar at posible umanong inakala ng security guard na magnanakaw ang biktima.
Isang follow-up operation ang ikinasa ng Santa Rosa City Police upang madakip ang suspek na tumakas papunta sa direksyon ng Barangay Balibago proper matapos ang insidente.
(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews