Lalaking tumangay ng delivery van, tinutugis
Crime

Lalaking tumangay ng delivery van, tinutugis

Jan 20, 2025, 6:01 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Pinaghahanap na ng pulisya ang isang empleyado ng isang construction firm na tumangay umano ng delivery van ng kumpanya nitong nakaraang Disyembre.

Nitong nakaraang January 14 ay personal na nagpunta sa himpilan ng Calamba City police ang representative ng Bauer Foundations Philippines, Inc. upang ireklamo ang isang dating empleyado na kinilalang si Christian Abadies Reyes, 29 anyos at residente ng Barangay Loob, San Antonio, Quezon.

Batay sa salaysay ng representative na kinilala lamang sa alyas "Marc," tinangay umano ng suspek ang puting Mitsubishi L300 van na may plakang NFM-7721 na pagmamay-ari ng kumpanya noong umaga ng December 22, 2024, mula sa headquarters ng kumpanya sa Barangay Looc, Calamba City.

Isang saksi na kinilala sa alyas na "Troy" ang nakakita umano kay Reyes na naglalagay ng kanyang mga personal na gamit sa nasabing sasakyan bago ito mawala.

Nang magkaroon ng employee attendance meeting ang kumpanya noong January 6, 2025 ay doon na nadiskubreng nawawala ang sasakyan, gayundin ay nag-absent without official leave (AWOL) na si Reyes.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa natatagpuan si Reyes, ni narerekober ang sasakyan na kanya umanong tinangay.

Isang follow-up operation na ang ikinasa ng Calamba City police upang madakip ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong carnapping.

Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.