Lalaking nagwawalis sa harap ng kaniyang bahay, utas sa pamamaril
Death

Lalaking nagwawalis sa harap ng kaniyang bahay, utas sa pamamaril

Mar 14, 2024, 3:19 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

AGONCILLO, Batangas -- Namatay matapos na pagbabarilin nang malapitan sa tapat ng kaniyang bahay ang isang lalaki na 46-taong-gulang sa bayang ito kamakailan.

Sa ulat ni Denise Abante ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog nitong Biyernes (01 Mar 2024), sinabing nangyari ang krimen nitong Huwebes (29 Feb 2024) ng umaga habang nagwawalis sa labas ng kaniyang bahay ang biktima sa Barangay Banyaga ng bayang ito.

Ayon kay Police Major Broderick Noprada, Officer-in-Charge ng Agoncillo Police Station, tumakas ang salarin matapos gawin ang krimen sakay ng isang kotse.

Anim na basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril ang nakita sa crime scene.

Kabilang sa tinitingnan motibo sa krimen ang personal na away at tungkol sa utang.

"Sa ating initial assessment ng ating imbestigasyon, ito ay personal grudge... 'Yun lang din po ang hindi pa namin matukoy dahil tinatanong din naman po namin iyung mga anak at ibang ka pamilya, eh wala pa rin po silang kilala na nakakasagutan or nakakaaway. Pero baka isa rin ho ay dahil sa pagkakautang," ayon kay Noprada.


Patuloy pa ang imbestigasyon at pagtugis ng mga awtoridad sa suspek.


"Baka po sakali na may nalalaman po kayo doon sa krimen na maaari pong makatulong sa imbestigasyon ay huwag po kayong magdalawang-isip na lumapit po o magtungo dito sa police station," pakiusap ni Noprada.

Sinisikap pang makuhanan ng pahayag ang mga kanaak ng biktima, ayon sa ulat.

#WeTakeAStand #OpinYon #BatangasLGU #


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.