Lalaking naghuramentado sa daan, tiklo
Arrest

Lalaking naghuramentado sa daan, tiklo

Dec 22, 2025, 6:49 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang lalaking nanutok umano ng baril sa mga tambay at nanlaban pa sa mga awtoridad ang naaresto sa Santa Rosa City, Laguna gabi ng Linggo, December 14.

Kinilala ng Santa Rosa City police ang suspek na si alyas "Edison," 25 anyos at residente ng lungsod na ito.


Ayon sa salaysay ng dalawang residente ng Barangay Caingin na kinilala lamang sa alyas "Ace" at alyas "Jerry," nakatayo lamang sila sa gilid ng daan sa loob ng isang subdivision sa Barangay Caingin nang walang anu-ano'y nilapitan sila ng suspek.


Tinutukan umano sila ng baril ng suspek sabay pinagmumura ang mga biktima.


Sakto namang dalawang tauhan ng Santa Rosa City Police Station ang nagpapatrulya sa nasabing lugar at agad silang rumesponde sa naganap na komosyon.


Ngunit sa halip na mapayapang sumuko ay pinagbantaan pa umano ni alyas "Edison" ang mga pulis, dahilan upang dakpin siya ng mga ito.


Nakadetine na sa Santa Rosa City Police detention facility ang suspek na nahaharap sa mga kasong alarm and scandal, illegal possession of firearms, at resisting arrest.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)


#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #Arrest


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.