Lalaking galing sa inuman, binaril
Death

Lalaking galing sa inuman, binaril

Dec 18, 2025, 5:16 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Palaisipan pa sa mga awtoridad ang posibleng motibo sa pamamaril sa isang lalaki sa Calauan, Laguna nitong nakaraang Lunes, December 8.

Nagpapagaling na sa ospital ang biktima na kinilala lamang sa alyas na "Michael," 37 anyos at residente ng Barangay Paliparan ng nasabing bayan.


Sa inisyal na imbestigasyon ng Calauan Municipal Police Station, galing umano sa inuman ang biktima at kakauwi lamang sa bahay nito nang maganap ang insidente pasado alas-sais ng gabi ng Lunes.


Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, may narinig umano silang tumawag sa pangalan ng biktima at pagkaraan noon ay nakarinig na sila ng tatlong putok ng baril.


Nakita pa umano nila ang suspek sa kanilang terrace na hawak ang isang baril bago ito tumakas mula sa pinangyarihan ng krimen.


Namukhaan nila ang suspek na residente rin umano ng nasabing barangay ngunit hindi nila maibigay ang pangalan nito.


Kaagad isinugod sa ospital si alyas "Michael" matapos magtamo ng sugat sa kanyang binti.


Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang krimen.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.