Lalaking depressed, nalunod sa lawa
Death

Lalaking depressed, nalunod sa lawa

Feb 4, 2026, 3:16 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Matinding depresyon umano ang nagtulak sa isang lalaki upang lunurin ang sarili sa Victoria, Laguna noong Lunes, January 26.

Kinilala ng mga tauhan ng Victoria Municipal Police Station ang biktima na si alyas "Arnold," 55 anyos at residente ng Barangay Nanhaya ng nasabing lungsod.


Ayon sa ulat ng mga awtoridad, nakita umano ng isang barangay tanod ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa paligid ng Victoria Fishport sa Laguna de Bay sakop ng Barangay San Roque pasado 7:30 ng umaga ng Martes, January 26.


Isa pang saksi ang nakakita kay alyas "Arnold" na tumatambay sa fishport isang araw bago madiskubre ang kanyang bangkay sa naturang lugar.


Batay naman sa salaysay ng ina ng biktima, matagal nang nasadlak sa depresyon ang biktima simula pa noong 2020 at ilang ulit na rin umano siyang nagtangkang magpakamatay.


Tumanggi ang pamilya ng biktima na isailalim sa autopsy ang kanyang bangkay sa paniniwalang walang naganap na foul play sa kanyang pagpanaw.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.