Lalaking ayaw umalis ng bahay, tinaga
Death

Lalaking ayaw umalis ng bahay, tinaga

Apr 15, 2024, 8:21 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang payo sa mga nakikitira lang sa bahay ng kaibigan o kaanak: matutong lumugar at huwag nang magmatigas kung kailangan nang umalis.

Isa kasing lalaki sa Pila, Laguna ang nakatikim ng taga mula sa kanyang kaibigan matapos umano siyang magmatigas dahil pinapaalis na siya sa kanyang tinutuluyan noong Martes, April 9.


Maswerteng nakaligtas ang biktima na kinilalang si Justine Kirby Cabreza, 39 anyos, matapos magtamo ng taga sa kanyang braso.



Kaagad namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek na kinilala lamang bilang si alyas "Alden," 40 anyos at residente ng Barangay Bulilan Norte, Pila, Laguna.


Ayon sa ulat ng pulisya, isang buwan na umanong nakikitira sa bahay ng suspek ang biktima nang sabihan siyang umalis na sa bahay nito at binigyan pa ng pamasahe pabalik ng Maynila.


Ngunit hindi umano pumayag si Cabreza at nakipagtalo pa sa suspek, dahilan upang kumuha ito ng palakol at tinangkang tagain ang biktima.


Nakahingi naman ng tulong ang biktima sa mga barangay tanod na nagsugod sa kanya sa Laguna Medical Center sa Santa Cruz upang malapatan ng lunas.

#WeTakeAStand #OpinYon #LagunaMedicalCenter


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.