Tila hindi na pinagbigyang lasapin ang Bagong Taon ang isang palaboy na pinagbabaril sa Calamba City, Laguna nitong nakaraang Miyerkules, January 1.
Dead on the spot ang biktima na kinilala sa alyas na "Richard," 39 anyos, walang trabaho at nakatira sa mga kalsada ng Barangay 5 sa lungsod na ito.
Sa paunang ulat ng Calamba City Police Station, bandang 11:40 ng umaga ng Miyerkules nang maganap ang insidente sa loob ng isang residential compound sa Barangay 5.
Nakatayo lamang umano sa kalsada si "Richard" nang bigla na lamang siyang pinagbabaril ng ilang hindi pa nakikilalang mga salarin, dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Kaagad tumakas papunta sa direksyon ng Barangay 3 ang mga suspek matapos ang krimen.
Patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa posibleng motibo sa nasabing insidente.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews