Lalaki, patay sa saksak ng naingayang kapitbahay
Death

Lalaki, patay sa saksak ng naingayang kapitbahay

Apr 15, 2024, 7:56 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang babala sa mga mag-asawa: kung mag-aaway rin lang, siguruhing huwag magagambala ang mga kapitbahay.

Ito ang masaklap na leksyon na natutunan ng isang mag-live-in partner matapos patayin sa saksak ang lalaki ng lasing niyang kapitbahay sa San Pablo City, Laguna nitong Linggo, April 7.



Kinilala ng San Pablo City Police Station ang biktima na si Marlon Sarzadilla, residente ng Barangay Santa Monica ng naturang lungsod.


Ayon sa ulat ng pulisya, madaling-araw ng Linggo ay nag-uusap umano sa loob ng kanilang bahay si Sarzadilla at ang kanyang live-in partner na hindi pinangalanan ng pulisya.


Sa lakas umano ng kanilang usapan ay naingayan ang kanilang kapitbahay na kinilala lamang bilang si alyas "Ian Carlo," na nagkataong lasing noon.


Dahil hindi na umano makatiis sa ingay ay sumugod ang suspek sa tahanan ni Sarzadilla at sinaksak ito sa dibdib gamit ang hindi pa matukoy na patalim.

Isinugod sa San Pablo City Medical Center ang biktima kung saan siya idineklarang dead on arrival.


Hawak naman ngayon ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kasong homicide.

#WeTakeAStand #OpinYon #LagunaNews



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.