Hindi akalain ng isang isang construction worker na mauuuwi sa pambubugbog ang pagtutuwid niya sa isang costumer ng vulcanizing shop sa Santa Rosa City, Laguna noong gabi ng Martes Santo, March 31.
Kaagad nadakip ng mga awtoridad ang suspek na kinilala lamang sa alyas "Joel" matapos siyang ireklamo ng kanyang nabiktima na kinilala lamang sa alyas na "Manuel," 43 anyos at residente ng Barangay Pooc ng lungsod na ito.
Ayon sa salaysay ni "Manuel," tumatambay lamang umano siya sa harap ng isang vulcanizing shop sa Barangay Pooc nang lumapit umano ang suspek at nagpalagay ng hangin sa gulong ng tricycle nito.
Sinabi ni "Manuel" na sarado na ang vulcanizing shop at wala nang tao roon, dahilan upang sumagot umano ang suspek ng "hangin mo na lang ilagay mo."
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa at nang paalis na ang biktima sa pag-aakalang tapos na ang away ay bigla na lamang umano siyang pinagsusuntok sa mukha ni "Joel."
Kaagad namang nagreklamo sa barangay si "Manuel," dahilan upang magsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad upang madakip ang suspek.
Nakadetine na sa Santa Rosa City Police Station si "Joel" na nahaharap sa kasong physical injury.
(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

