Lalaki, nahati ang katawan matapos mabagsakan ng malaking tipak ng bato
Death

Lalaki, nahati ang katawan matapos mabagsakan ng malaking tipak ng bato

Apr 2, 2024, 7:49 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

TUY, Batangas -- Kalunos-lunos ang sinapit ng isang lalaking nanananghalian na nahati ang katawan matapos mabagsakan ng malaking tipak ng bato habang nasa loob ng backhoe na kanyang gamit sa trabaho sa bayang ito.

Ayon sa pulisya at Balitambayan, isang backhoe operator ang 34-anyos na biktima na nabagsakan ng malaking bato sa isang quarry site.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na nanananghalian ang biktima sa loob ng backhoe na kanyang gamit sa trabaho bago mag-Holy Week nang maganap ang hindi inaasahang pangyayari.

"Lumalabas na itong biktima is nanananghalian doon sa loob ng backhoe. It so happened na ‘yung isang malaking tipak ng bato na galing doon sa itaas na bahagi ng quarry site, gumulong directly doon sa kinalalagyan ng biktima," ayon kay Police Major Roy Cuevas, OIC,Tuy Police Station

Halos dalawang oras pa umano ang lumipas bago nakita ng mga kasamahan ang nangyari sa biktima.

Hinihinala ng awtoridad na maaaring lumambot ang lupa sa gilid ng bundok at mahina na ang kapit ng bato kaya ito bumagsak.

Nakipag-ugnayan na ang may-ari ng quarry site sa mga kaanak ng biktima na nagmumula pa sa Zamboanga del Norte.

#WeTakeAStand #OpinYon


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.