Hindi inakala ni Jhenroniel Rhey Sanchez na sa paglabas ng resulta ng 2025 Bar Examination noong Enero 7 ay pangalan niya ang mangunguna sa listahan.
Kasama niyang tumanggap ng magandang balita ay ang kaniyang mga magulang, na walang pagsidlan ang tuwa para sa naging tagumpay ng kanilang anak.
Nakapagtala siya ng 92.70-percent rating – at ang mas nakamamangha ay ito ang kaniyang unang sabak sa nasabing pagsusulit.
Ang Calambeñong topnotcher ay unang nakapagtapos ng Bachelor of Science in Electrical Engineering sa University of the Philippines Los Baños noong 2017.
Bagaman nakagawa na ng karera sa larangan ng engineering, pinili pa ring sundan ni Sanchez ang kaniyang pangarap na maging abogado.
Noong 2019, sinimulan niya ang kaniyang pag-aaral sa UP College of Law.
Sa courtesy visit niya kay Laguna Governor Sol Aragones kamakailan, inilahad niya ang ilang bagay na dapat tandaan sa mga nais tahakin ang parehong landas.
“You really have to put the effort in sa mga ganitong bagay. It's going to be difficult naman talaga, and sometimes you’re going to be wondering kung bakit mo ba ginagawa yun. Nasa sa'yo if you want to continue or not. And wala namang mali if you decide, maybe this isn't for me, kasi part yun of realizing kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo.
“Pero if you decide to continue, again, understand na madami kang pwedeng i-sacrifice about it. And third, huwag kang mahihiyang magtanong. You have friends, you have teachers, mentors, sa amin, reviewers, ganun.
“Because it's never really an individual achievement naman talaga. Because you wouldn't be there without a support system, for example. You wouldn't know what you know if somebody didn't teach it to you. So, kung kailangan na help, ask for help.”
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

