Nakapagtala ng kasaysayan para sa rehiyon ng CALABARZON ang isang atleta mula sa Laguna matapos magwagi sa ginaganap na Palarong Pambansa 2026.Nasungkit ni Prince Delos Reyes ang kauna-unahang gintong medalya ng rehiyon para sa Karate noong Lunes, May 25.
Pinataob niya ang kinatawan ng Ilocos Region sa kategoryang 10-12 Male Open Kata dahilan upang hirangin siyang kampeon. Kasalukuyang isinasagawa ang Palarong Pambansa sa Agusan del Sur na magtatagal hanggang May 31.
(Larawan mula sa Laguna Sports/Facebook.com)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

