Lagunense, kabilang sa 'Lucky 12' Lotto winners
Lottery

Lagunense, kabilang sa 'Lucky 12' Lotto winners

May 11, 2026, 3:51 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang Lagunense ang napabilang sa maswerteng sandosenang bettor na naka-jackpot sa Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Martes, May 5.

Sa inilabas na pahayag ng PCSO, nakuha ng lucky bettor mula Calamba City, Laguna ang winning combination sa Lotto 6/42 draw na ginanap noong araw na iyon.


Tinamaan niya ang winning combination na 31-28-19-03-02-04, na may kaakibat na jackpot prize na P10,000,000.


Tila umulan ng swerte noong araw ng Martes matapos sampung bettor ang nakasungkit ng jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw.


Nakuha nila ang winning combination na 01-58-25-43-26-16, na maya kaakibat na jackpot prize na P76,305,973.15 o P7,630,597.31 sa bawat nanalo.


Samantala, isang lucky bettor rin mula sa Mabalacat City, Pampanga ang solong nakuha ang jackpot prize na PP40,607,323.57 sa Super Lotto 6/49 draw matapos makuha ang winning combination na 44-03-08-31-06-49.


(Ulat mula sa PNA)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.