Laguna Water: Kawatan, metro ng tubig ang target
water services

Laguna Water: Kawatan, metro ng tubig ang target

Jul 22, 2024, 5:31 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Nagbabala na ang Laguna Water laban sa mga kawatan na umano'y sangkot sa pagnanakaw ng mga metro ng tubig sa iba't ibang bahagi ng kanilang service area.

Sa isang abiso na inilabas noong Lunes, July 15, ipinaalam ng water service provider na nakarating na sa kanila ang mga ulat na may mga nagpapanggap na empleyado ng Laguna Water upang magnakaw ng mga metro ng tubig.


Mahigpit na ipinagbabawal ang pagta-tamper o pagtanggal ng water meters nang walang pahintulot, ayon sa mga probisyon ng Republic Act No. 8041 (National Water Crisis Act of 1995).


Hinikayat ng Laguna Water ang mga konsyumer nito na kaagad ipagbigay-alam ang mga insidente ng pagtanggal ng mga metro ng tubig.


Dapat rin anilang suriing mabuti ang pagkakakilanlan ng mga nagpapakilalang representative o contractor ng Laguna Water upang masigurong lehitimo ang kanilang operasyon.

#WeTakeAStand #OpinYon #LagunaWater #WaterServices


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.