Laguna LGUs, palalakasin ang industriya ng cacao
OpinYon Laguna

Laguna LGUs, palalakasin ang industriya ng cacao

Jan 27, 2025, 2:22 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Apat na mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Laguna ang nangakong magkakaisa upang mas palakasin pa ang industriya ng cacao sa lalawigan.

Nitong nakaraang Martes, January 21, ay lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sina Magdalena Mayor Pedro Bucal, Nagcarlan Mayor Elmor Vita, Santa Maria Mayor Cindy Carolino, at Siniloan Mayor Patrick Ellis Go upang masigurong mapataas ang produksyon ng cacao sa kanilang mga nasasakupan.


Nakiisa rin sa nasabing kasunduan ang mga opisyal ng Laguna State Polytechnic University (LSPU), Department of Agriculture (DA) Regional Field Office, at Quezon Agricultural Research and Experiment Station (QARES).


"Napakalaking tulong ng kasunduan ito sa ating mga magka-cacao dahil hindi lamang masisiguro ng programang ito na magkakaroon ng ibang variety pa ng cacao na maitatanim sa ating bayan, kundi makakapagbigay pa ito ng mga dekalidad na bunga ng cacao na maaani na magreresulta sa mas malakas na produksyon at paglago ng kabuhayan ng ating mga kababayang magka-cacao," pahayag ni Mayor Vita sa kanyang Facebook page. Isa sa mga itinuturing na papausbong na sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Laguna, maging sa buong Calabarzon, ang industriya ng cacao. Noong 2022, umabot sa 914 metric tons ang nai-produce na cacao ng rehiyon, o katumbas ng 2 porsiyento ng total cacao production ng bansa.

Larawan mula sa Facebook page ni Mayor Elmor Vitangcol Vita

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #DA #CacaoIndustryinLaguna #CacaoProduction


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.