Labor Beats Concert sa Southwoods Mall
Music

Labor Beats Concert sa Southwoods Mall

May 6, 2024, 7:06 AM
Catherine Go

Catherine Go

Writer/Photographer

Isang pagpupugay hindi lamang sa mga manggagawang Pilipino, pati na rin sa mga musikerong Pilipino.

Ito ang inihatid ng Southwoods Mall sa Biñan City, Laguna sa kanilang "Labor Beats" Music Festival nitong nakaraang Sabado, April 27.

Itinampok sa naturang concert ang mga sikat na Pinoy band gaya ng December Avenue, na kilala sa kanilang hit song na "Kahit 'Di Mo Alam" at Agsunta, na nagsimula sa YouTube hanggang sa marating ang mainstream popularity dahil sa "Kahit Kunwari Man Lang."

Kasama rin sa mga nagperform ang singer-songwriter na si Arthur Nery na nakilala naman sa kanyang 2021 hit na "Pagsamo."

"Southwoods Mall sees the opportunity to give back to the community in the incoming [Labor Day] holiday by creating an OPM-tracked concert with artists that became known for their songs as an anthem for most Filipinos," pahayag ng Southwoods Mall sa isang press release.

#WeTakeAStand #OpinYon #LaborBeats #BiñanLGU


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.