Kasalukuyang nasa Los Angeles, California ang Pinoy singing group na Luntayao Family Singers o tinaguriang “L6” na tubong San Pedro, Laguna para sa kanilang live show sa America’s Got Talent.
Masayang ibinahagi ng mga miyembro nito sa kanilang Facebook page na sila ay magpe-perform ng live sa America’s Got Talent.
Ibinahagi rin nila ang kanilang karanasan sa kanilang flight mula Pilipinas patungong LA sa pamamagitan ng kanilang Facebook page.
Nilibot nila ang mga lugar at pasyalan na nasa labas ng kanilang tinutuluyang hotel, bagay na ni-livestream rin nila sa social media.
Matatandaan na sila ay nakapasok sa AGT matapos nilang awitin ang “All by Myself” sa pamamagitan ng acapella.
Napahanga rin nila ang isa sa mga judge na si Simon Cowell sa kanilang performance kung kaya’t nagulat ang lahat nang pahintuin niya ang kanilang performance sa kalagitnaan nito.
Patuloy ang kanilang pasasalamat sa opportunidad na mapabilang sa nasabing pagtatanghal.
Panalangin at pag-asa ang kanilang hinihiling sa ngayon upang magiging matagumpay ang kanilang pegpe-perform.
“L6 is geared up to LA for America’s Got Talent show. Good luck guys! We pray and hope for the best! If you can't bring home the golden buzzer, bring home Simon Cowell. Godspeed! And have a safe travel guys!” saad sa kanilang Facebook post bago ang kanilang flight patungong LA.
Ang L6 na binubuo nina Roger Luntayao, Ranz Luntayao, Red Dawson, Ricey Brynna Luntayao, Remy Luntayao, at Jessa Montefalcon ay lumabas na rin sa iba’t ibang relality talent show sa Pilipinas at maging sa Asya katulad ng Pilipinas Got Talent Season 1 kung saan sila ay naging isa sa mga grand finalist, Grand champion ng Karoling Galing ng Its Showtime, at naging representative ng Pilipinas sa Asia’s Got Talent.
Si Remy Luntayao ay naging grand finalist rin sa Season 2 ng “Tawag ng Tanghalan” sa noontime TV show na “It’s Showtime.”
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #ItsShowtime