Kinse, Kinse Café patok sa Lucban
Quezon

Kinse, Kinse Café patok sa Lucban

Nov 17, 2021, 7:38 AM
Jeanelle Abaricia

Jeanelle Abaricia

Writer

Dahil sa pandemya, marami sa atin ang naghanap ng kani-kanyang diskarte upang patuloy na mairaos ang bawat araw at kabilang sa kanila ang magkaibigan sa Lucban, Quezon na naisipang magtayo ng coffee shop na pumatok naman sa kanilang mga kababayan.

LUCBAN, Quezon – ISA sa mga patok na coffee shop na dinarayo ngayon sa bayang ito ang “Kinse Kinse” na itinayo ng magkaibigang sina Ed Deveza at Renz Oblefias.

Magmula noong Mayo 24, 2020 ay nagsisilbi na itong pasyalan ng mga Lucbanin na mahihilig sa kape.

Ayon kina Deveza at Oblefias, ang pangalang “Kinse Kinse” ay nagmula sa salitang “kinsenas” o payday.

“Ang Kinse Kinse kasi is a lunar calendar at ang fortune and wealth ay nasa payday natin so instead of Pay Day Café, Kinse Kinse ang ginawa namin. Ito yung parang sa mga shopping application like 11-11,’ anila.
“Napunta kami sa kape para pwede sa lahat tapos sobrang daming coffee lover at maraming mahilig kumain. Nakaranas ako ng anxiety nung pandemic, naisip ko na hindi pwedeng ganito, kailangan ko magnegosyo kasi sayang ang panahon,” dagdag ni Oblefias.

Matapos maantala ang kanilang trabaho dahil sa pandemiya ng Covid-19 noong nakaraang taon, naisipan nilang gamitin ang pagkakataon at oras upang pagtuunan ang kanilang kinahihiligan.

"Hindi naman kami nahirapan pagsabayin ang negosyo at trabaho, from Quezon to Manila, andyan yung tulong ng mga tauhan na sobrang mapagkakatiwalaan, kasi kung hindi mo sila mapagkakatiwalaan, ikaw yung mahihirapan," ayon kay Deveza.

Ayon sa dalawa, nai-apply nila sa kanilang negosyo ang nakikita nilang mga trending na food trip sa Maynila.

"Bakit kami tinangkilik? Kasi all-in-one dish [meron kami] – dessert, ulam, salad – so kapag natikman mo maghahalo halo yung tamis, alat at savory sa isang putahe na bago sa panlasa,” dagdag ni Deveza.

Nahirapan umano sila sa mga unang buwan ng kanilang negosyo. Bukod sa matumal na benta, nakaranas rin umano sila ng mga negatibong feedback lalo na sa social media.

"So far, ang tao naman talaga andyan para sumuporta. Unang tumatangkilik dito, mga barangay,kamag-anak, kaibigan and also the social media,” ayon kay Deveza.
"We focus on what we want, hindi kami nagpadala sa negative comments, hindi ko kailangan magstay sa negative. We have a more than thousand people dito sa Lucban, bukod pa yung mga tao sa ibang lugar, impossible na kahit isa walang magtiwala at maniwala sa amin.”

Tags: #opinyonquezonin #opinyonnews #Kinsekinse #LucbanQuezon


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.