Kidnap-for-ransom suspect, tiklo sa Majayjay
Arrest

Kidnap-for-ransom suspect, tiklo sa Majayjay

Jul 20, 2026, 1:53 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang miyembro umano ng kidnap-for-ransom group na bumibiktima umano ng mga Chinese national ang nadakip ng mga awtoridad sa Majayjay, Laguna noong July 14.

Kinilala ng Majayjay Municipal Police station ang suspek na si alyas "Charlie," na inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Anti-Kidnapping Group (AKG), Regional Mobile Force Battalion 4A, at Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Laguna Police Provincial Office sa Barangay Gagalot sa bayang ito.


Si alyas "Charlie" ang isa sa mga itinuturong suspek sa pagdukot sa isang 39-anyos na Chinese national na kinilala lamang sa alyas "John" noong July 11.


Unang iniulat sa AKG headquarters sa Camp Crame, Quezon City ng mga kaanak ni alyas "John" noong July 11 ang nasabing insidente, kung saan sinabi nila na nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isa pang umano'y Chinese national na nanghihingi ng ransom kapalit ng kanyang kalayaan.


Isang rescue operation ang kaagad ikinasa ng AKG na nagresulta sa pagkakasagip sa biktima sa Santa Maria, Bulacan noong July 14.


Samantala, isa ring Chinese national na kinilala bilang si "Ms. Ting," na umano'y kasama sa grupo ng mga kidnapper, ang naaresto sa Pasay City noong araw ding iyon.


Si alyas "Charlie" ang itinuturing tumanggap ng pera mula sa mga kaanak ni alyas "John", ayon sa ulat ng Anti-Kidnapping Group.


Dinala na sa Camp Crame ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong kidnapping.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.