Kauna-unahang 'Fish-tahan' sa Laguna
Celebrations and Festivals

Kauna-unahang 'Fish-tahan' sa Laguna

Mar 21, 2024, 5:50 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Gayong kilala na ang lalawigan ng Laguna sa larangan ng komersyo, industriya at turismo, nais ng pamahalaang panlalawigan na muling buhayin ang mga "tradisyunal" na sektor ng kabuhayan gaya ng pangingisda.

Ito ang nais iparamdam ng Laguna LGU sa pangunguna ni Governor Ramil Hernandez, kasabay ng paglulunsad ng kauna-unahang "Halina't Mamiesta, Fish-tahan sa Laguna" ngayong Huwebes, March 14.

Layon ng programa na muling palakasin at itaguyod ang produksyon ng pagtangkilik sa isdang ayungin at ang muling pagpaparami nito sa Laguna de Bay.

Sa naturang event ay ipinrisinta ang isang exhibit na gawa sa tuyong ayungin at tigit, na kahulma ng mapa ng Laguna. Ito ay may sukat na 81 metro at may bigat na 150 kilo na tuyong isda. Ang karagdagang namang pinatuyong isda ay ginamit para sa dekorasyon.

Kauna-unahang 'Fish-tahan' sa Laguna

Kauna-unahang 'Fish-tahan' sa Laguna

Bukod dito, ay ipinakita din ng mga dumalong 11 na exhibitors mula naman sa ibat-ibang LGU ang mga culinary dishes nila na ang pangunahing sangkap ay mula sa hipon, karpa (common carp at big head), freshwater goby, mudfish, red tilapya at tinapang tilapya.

Lalong nagpasaya at inabangan sa programa ay ang pamamahagi ng mga lutong ulam na nagwagi sa raffle at ang pamamahagi din ng tuyong ayungin sa lahat ng nakilahok.

Ang "Halina't Mamiesta, Fish-tahan sa Laguna" ay bahagi ng patuloy na pagdiriwang ng Anilag (Ani ng Laguna) Festival ng pamahalaang panlalawigan mula March 10 hanggang 17.

#WeTakeAStand #OpinYon #FishTahanSaLaguna



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.