Ngayong 2026, bida ang mga ina sa Catanauan, Quezon!
Matagumpay na naisagawa sa nasabing bayan kamakailan ang kauna-unahang "Buntis Congress," na naglalayong maituro sa mga kababaihan ng Catanauan ang kahalagahan ng maternal health.
Direktang inilapit sa mga buntis ang iba’t ibang serbisyong medikal at impormasyon kabilang ang prenatal check-up, tamang nutrisyon, pagbabakuna, family planning, pangangalaga sa bagong silang, at mental health awareness.
Ayon sa mga health personnel ng Catanauan, mahalaga ang aktibidad upang mahikayat ang regular na pagpapatingin ng mga buntis at maagapan ang posibleng komplikasyon sa pagbubuntis.
Bahagi ito ng patuloy na kampanya upang mapalawak ang access sa serbisyong medikal sa barangay at mapataas ang kamalayan hinggil sa ligtas at responsableng pagbubuntis.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #BuntisCongress

