Kasapi ng NPA, napatay sa Famy
CPP-NPA

Kasapi ng NPA, napatay sa Famy

Dec 10, 2024, 2:22 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang pinaghihinalaang miyembro ng New People's Army (NPA) ang napatay sa isang engkwentro sa bayan ng Famy, Laguna nitong nakaraang Huwebes, November 28.

Ayon kay Brig. Gen. Ronald Jess Alcudia, commander ng 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army, naganap ang sagupaan sa pagitan ng mga kasapi ng rebeldeng grupo at militar sa Barangay Bacong-Sigsigan.

Isang babaeng rebelde na hindi pa pinapangalanan ng mga awtoridad ang nasawi sa nasabing engkwentro, habang tumakas naman ang kanyang mga kasamahan patungo sa hindi pa malamang direksyon.

Ayon kay Alcudia, nakatanggap na ng ulat ang mga awtoridad ukol sa umano'y tangkang pag-inflitrate ng NPA sa nasabing lugar, kung saan nagsasagawa umano sila ng extortion activities.

Isa ang bayan ng Famy sa mga bayan sa lalawigan kung saan idineklara ang "Stable Internal Peace and Security," o kawalan ng presensiya ng mga kasapi ng mga Communist insurgent groups at kanilang mga kaalyado.

Iginiit naman ni Alcudia na puspusan ang isinasagawang mga hakbang ng mga awtoridad upang masiguro ang kapayapaan sa buong lalawigan ng Laguna.

“The recent encounter in Famy should not be perceived as a sign of instability. Instead, it reflects the community's united effort to maintain Stable Internal Peace and Security,” aniya.

Nagpasalamat rin siya sa mga residente ng nasabing lugar na tumutulong sa kanilang mga hakbang upang mapanatili ang "Stable Internal Peace and Security" sa kanilang lugar.

(Ulat mula sa PNA)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #CPPNPA


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.