'KASAKIMAN.'
Culture and The Arts

'KASAKIMAN.'

Sep 29, 2025, 6:18 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Ginamit na rin ng kilalang "leaf artist" ng Biñan City, Laguna na si Mary Mae Dacanay ang kanyang angking talento upang ipahayag ang nagkakaisang galit at dismaya ng mga mamamayan sa lantarang katiwalian sa pamahalaan.

Sa kanyang leaf artwork na ibinahagi sa social media noong September 24, inilarawan niya ang katiwalian bilang isang matabang lalaki na may hawak na supot ng pera at nakaupo sa tuktok ng isang buwaya.

Nilikha ni Dacanay ang nasabing artwork sa gitna ng patuloy na mga rebelasyon sa malawakang pagbulsa sa pondo ng pamahalaan, na umano'y saklaw na hindi lamang ang mga flood-control project kundi pati na rin ang iba pang mga infrastructure project na hawak ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

(Larawan mula sa Facebook page ni Mary Mae Dacanay)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #LeafArt


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.