Kaligtasan sa transportasyon, tinututukan ni Arrogancia
DOTr

Kaligtasan sa transportasyon, tinututukan ni Arrogancia

Mar 12, 2026, 7:05 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

Pinangunahan kamakailan ni Quezon 3rd District Representative Reynante "Reynan" Arrogancia ang isang pulong kaugnay ng patuloy na pagtalakay sa mahahalagang probisyon ng panukalang National Transportation Safety Board of the Philippines (NTSBP), bilang Vice Chairperson ng House Committee on Transportation sa House of Representatives of the Philippines.

Isinagawa ang pagpupulong kasama ang Department of Transportation (DOTr) at iba’t ibang ahensya at sangay nito upang mas mapalalim ang mga probisyon ng panukala na layong magtatag ng isang independiyenteng grupo na tututok sa imbestigasyon ng mga aksidente sa himpapawid, karagatan at kalupaan.


Ayon kay Arrogancia, mahalaga umano ang pagkakaroon ng isang hiwalay at independenteng ahensya na magsisiguro sa kaligtasan ng mga manlalakbay sa pamamagitan ng mas maayos na pagtukoy sa mga sanhi ng aksidente at pagbibigay ng rekomendasyon upang maiwasan ang kahalintulad na insidente sa hinaharap.


Inaasahan na makatutulong ang panukala sa pagpapalakas ng transport safety policies at sa proteksyon ng buhay ng mga pasahero at transport workers sa buong bansa sa oras na ito ay maisabatas.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.