Kakaibang barong ni Cong. Arman sa SONA
OpinYon Laguna

Kakaibang barong ni Cong. Arman sa SONA

Aug 4, 2025, 8:05 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Ipinagbawal nitong nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. noong July 28 ang magarbong "fashion show" ng mga kongresista na nakaugalian na tuwing SONA.

Ito ay bilang pagsuporta sa mga hakbangin ng pamahalaan upang makabangon ang ilang bahagi ng bansa sa isang linggong pag-ulan na dulot ng habagat.

Gayunpaman, hindi naiwasan ng ilang mambabatas na gamitin ang SONA upang maipahayag ang kani-kanilang mga adbokasiya.

Kabilang na rito si Biñan City, Laguna Representative Walfredo "Arman" Dimaguila, Jr., na ibinida sa kanyang kauna-unahang pagdalo sa SONA ang isang barong na may tila drowing ng Biñan City at Laguna de Bay.

Ayon sa isang Facebook post ni Dimaguila, na napili bilang assistant majority floor leader noong July 30, ang disenyo ng kanyang barong na isinuot sa SONA ay naglalayong maipahayag sa isang mas malaking audience ang kanyang sariling mga adbokasiya.

Sa harap ng kanyang barong ay makikita ang mga ipinagmamalaking simbolo ng Biñan City: ang Alberto Mansion, ang Plaza Rizal, ang Puto Biñan at ang sayaw na "maglalatik."

"These are not just symbols, they are stories of heritage, resilience, and pride. Wearing them on a national event is my way of showing everyone how beautiful our city truly is. I hope this sparks interest and inspire more people to discover what Biñan has to offer," anang kongresista.

Sa likod naman ay makikita ang isa sa mga pangunahing adbokasiya ni Dimaguila: ang kanyang panawagan sa pamahalaang nasyonal na aksyunan na ang lumalalang suliranin sa pagbaha sa Laguna de Bay.

"For too long, flooding has brought suffering to our communities. It’s time for bold action. This is why I filed House Resolution No. 33, directing the House Committee on Ecology to review existing flood control projects and study the implementation of a National Dredging Program for Laguna Lake. We need solutions that work, and I will fight for this with everything that I have," paliwanag niya.

"This barong is more than an outfit. It is my armor for change. It carries the pride of Biñan, the strength of Laguna, and the promise that I will never stop until our people live free from floods, and our heritage stands proud for generations to come."

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.