Kabataang Quezonin, kinilala ng DOLE
DOLE

Kabataang Quezonin, kinilala ng DOLE

May 14, 2026, 2:18 AM
Sol Luzano

Sol Luzano

Writer

Kinilala si Earl Meynard Atentar bilang isa sa mga natatanging GIP Career Builder ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ginanap na parangal sa General Santos City noong Labor Day, May 1.

Itinuturing na isang malaking karangalan hindi lamang para kay Atentar kundi para rin sa buong lalawigan ng Quezon ang naturang pagkilala.


Pinuri ang kanyang dedikasyon, sipag, at katatagan sa kabila ng mga hamon na kanyang hinarap sa pag-aaral at pagtatrabaho. Ang kanyang kwento ay nagsisilbing inspirasyon sa maraming kabataan na patuloy na nangangarap at nagsusumikap.


Sa ilalim ng Government Internship Program (GIP) na pinondohan ng DOLE at ipinatupad sa lalawigan sa tulong ng Quezon Provincial Public Employment Service Office (QPPESO), nabigyan si Atentar ng pagkakataong makapagsimula sa kanyang propesyonal na landas.


Sa pakikipag-ugnayan din sa Department of Education (DepEd), naipakita niya ang kanyang kakayahan at potensyal na nagbukas ng mas malaking oportunidad para sa kanya.


Dahil sa kanyang kahusayan, agad siyang na-absorb ng DepEd at kasalukuyang nagsisilbi bilang Administrative Aide.


Umaasa naman ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na mas marami pang kabataan ang mabibigyan ng kaparehong pagkakataon sa pamamagitan ng mga programang naglalayong palawakin ang oportunidad para sa mga kabataang Pilipino.


#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.