Kababaihan, dehado sa sahod sa Calabarzon?
OpinYon Laguna

Kababaihan, dehado sa sahod sa Calabarzon?

Dec 29, 2025, 3:47 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Mga misis, feeling ba ninyo ay mas mababa ang sahod ninyo kaysa kay mister?

Hindi nga kayo nagkakamali: ayon mismo sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ang sahod na tinatanggap ng mga kalalakihan kaysa mga kababaihan sa Calabarzon region.


Ayon sa isang press release, binanggit ng PSA Region IV-A na mas mataas pa ng humigit-kumulang P1,000 ang buwanang sahod ng mga lalaki kaysa mga babaeng manggagawa sa rehiyon.


“In 2024, male workers in CALABARZON earned a higher average monthly wage of P20,313, compared to P19,025 for female workers," pahayag ng ahensya.


Kabaligtaran ito ng national average kung saan mas mataas ang sahod ng mga kababaihang manggagawa - P22,236 na average na sahod kada buwan, kumpara sa P21,009 para sa mga kalalakihan.


Samantala, ayon kay Assistant National Statistician Adrian Cerezo, isa ang mga manggagawa sa Calabarzon region sa "top earners" o may pinakamataas na sahod sa buong bansa.


Sa isang media forum, inihayag ni Cerezo na umaabot sa P19,711 ang average monthly wage rate sa Calabarzon ngayong taon.


Panagalawa lamang ito sa National Capital Region (NCR), na nakapagtala ng average monthly rate na P29,310.


Matatandaang isinusulong ng ilang mga sektor na gawing pantay ang arawang sahod sa NCR at mga kalapit na rehiyon gaya ng Calabarzon at Central Luzon.


Ito'y dahil hindi na rin umano nagkakalayo ang presyo ng mga bilihin at serbisyo sa NCR at mga kalapit nitong rehiyon sa nakalipas na mga taon.

(Ulat mula sa Philippine Information Agency)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.