Jhoanna ng ‘BINI,’ nagbukas ng coffee shop sa Calamba
Celebrities

Jhoanna ng ‘BINI,’ nagbukas ng coffee shop sa Calamba

Oct 30, 2025, 6:41 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Panibagong tagumpay ang dumating sa buhay ng lider ng P-Pop girl group BINI na si Jhoanna Robles dahil sa pagbubukas ng kauna-unahan niyang coffee shop.

Masayang ibinalita ni BINI Jhoanna sa Instagram account niya ang pagkakaroon niya ng sariling franchise ng kilalang café na Brew&Co sa kaniyang hometown sa Calamba City.

Ang naging soft opening nito noong Martes, October 21, ay pinilahan ng “Blooms”, ang opisyal na tawag sa mga fans ng BINI, kung saan ang iba ay nanggaling pa sa iba’t-ibang panig ng Metro Manila at kalapit na lalawigan.

Ayon kay Robles, ilang buwan na puno ng “hard work, sleepless nights, getting sick, and pushing through” ang inabot niya upang maisakatuparan ang pangarap niyang negosyo.

Hiling niya na sana higit pa sa pagiging coffee shop ang ituring ng mga tao dito, kundi maging isang “safe space — where you can pause and feel at home.”

Matatagpuan ang Brew&Co Calamba branch sa San Jose Road, Calamba City, Laguna.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #BiniJhoanna


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.