Jema at Mafe Galanza, kinilala ng San Pedro LGU
OpinYon Laguna

Jema at Mafe Galanza, kinilala ng San Pedro LGU

Jul 1, 2024, 1:59 AM
Osi Sabaybay

Osi Sabaybay

Writer

Isang mainit na pagtanggap ang ibinigay ng lokal na pamahalaan ng San Pedro City, Laguna sa magkapatid na sina Jema at Mafe Galanza, mga kilalang volleyball player, sa kanilang pagbisita nitong Martes, June 25.

Ang magkapatid na Galanza na tubong San Pedro ay kilala sa kanilang husay at dedikasyon sa larangan ng volleyball.

Pinangunahan ni Mayor Art Mercado ang programa ng pagkilala sa magkapatid sa kanilang tagumpay sa Premier Volleyball League (PVL).

"Anuman ang inyong layunin sa buhay, narito kami upang suportahan kayo. Ang tagumpay nina Jema at Mafe ay patunay na kayang-kaya nating magtagumpay kung tayo ay magpupursige at magtutulungan," pahayag ni Mercado.

Sa kanilang mga naging laro, si Jema ay tumanggap ng mga parangal bilang Best Outside Hitter at Finals MVP.

Sa naturang pagbisita, ibinahagi rin ni Jema ang kanyang karanasan sa liga at ang mga sakripisyo na kinailangan nilang pagdaanan upang marating ang kasalukuyang tagumpay.

Si Coach Sherwin Meneses ng Creamline Cool Smashers ay nagbigay din ng kanyang mensahe ng pasasalamat sa suporta ng pamahalaang lokal sa kanilang koponan.

Ang pagbisita ng magkapatid na Galanza ay nagbigay ng inspirasyon at saya sa mga San Pedrense, na labis na ipinagmamalaki ang kanilang mga kababayan.

Ang tagumpay nina Jema at Mafe ay isang inspirasyon sa ating lahat, lalo na sa kabataang San Pedrense.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #PVL


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.