'Iskolar ng Laguna' exams sa Nobyembre
OpinYon Laguna

'Iskolar ng Laguna' exams sa Nobyembre

Sep 15, 2025, 6:16 AM
Christian Magdaraog at James Veloso

Christian Magdaraog at James Veloso

Writer

Itinakda na sa Nobyembre ang tentative schedule para sa examinasyon sa mga nais maging “Islokar ng Laguna.”

Ito ang inihayag ni Laguna Governor Sol Aragones sa kanyang Facebook live video nitong nakaraang Miyerkules, September 10.


November 3 hanggang 14 ang nakikitang petsa ng gobernadora para sa registration period.


Tatakbo naman mula November 17 hanggang 21 ang mangyayaring qualifying exam.


Parehong gaganapin online ang dalawang proseso kaugnay sa scholarship.


Ayon sa gobernadora, ilalabas nila agad ang final schedule nito kasabay ng magiging guidelines.


Paalala niya na maging mapanuri sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon, at tanging sa tunay na Facebook page niya lamang makipag-ugnayan.


Samantala, inilabas na rin ng pamahalaang panlalawigan ang schedule at venue ng payout para sa mga kasalukuyang Iskolar ng Laguna, na magtatagal mula September 25 hanggang October 22.


Para sa mga Iskolar ng Laguna mula sa mga lungsod ng San Pedro, Biñan at Santa Rosa, gaganapin ang payout sa Alonte Sports Arena, Biñan City sa darating na September 27 (Sabado), mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.


Ang mga estudyante naman mula sa mga lungsod ng Cabuyao at Calamba ay nakatakdang makuha ang kanilang mga scholarship grant sa October 15 hanggang 17 (para sa mga estudyanteng taga-Cabuyao City) at October 21 at 22 (para sa mga estudyanteng taga-Calamba City) sa Laguna Provincial Capitol Extension Office sa Calamba City.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #IskolarNgLaguna


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.