Sa pagdiriwang natin ng Pasko, nawa’y mapuno ang bawat tahanan ng pagmamahalan, pag-asa, at pasasalamat. Ito ang panahon ng pagbabalik-tanaw—sa lahat ng pagsubok na ating nalampasan, at sa mga biyayang patuloy nating tinatanggap bilang isang komunidad.
Isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating mga San Pedronians, San Pedrenses!
As we welcome 2026, dala natin ang panibagong lakas at paniniwala na mas maganda pa ang ating bukas. Sa pagkakaisa, malasakit, at sipag ng bawat San Pedrense, patuloy nating itatayo ang isang San Pedro na ligtas, maunlad, at may puso para sa lahat.
Maraming salamat sa inyong tiwala at pakikiisa. Sama-sama nating harapin ang bagong taon na may pag-asa, tapang, at pananampalataya.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon, San Pedro!
God bless us all.
MAYOR ART MERCADO
San Pedro City, Laguna
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews
