Insurgency-free status, muling pinagtibay sa Calamba City
OpinYon Laguna

Insurgency-free status, muling pinagtibay sa Calamba City

May 19, 2026, 1:47 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Muling nakamit ng pamahalaang lungsod ng Calamba City, Laguna ang pagiging malaya nito mula sa banta ng Communist insurgency, isang bagay na inaasahang mas makaka-engganyo ng mga investor sa nasabing lungsod.

Pinagtibay ang Stable Internal Peace and Security (SIPS) status ng Calamba City nitong nakaraang Martes, May 12, kasabay ng regular na pagtitipon ng City Peace and Order Council (CPOC) at Anti-Drug Abuse Council (CADAC) na ginanap sa Jose Rizal Coliseum Convention Hall.


Sa pangunguna ni Calamba City Mayor Roseller Rizal, Task Force Ugnay Commander and Deputy Commander ng 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army Colonel Alexander Arbolado kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at iba pang miyembro ng konseho ay muling nilagdaan ang Memorandum of Understanding na nagpapatibay sa layuning mapanatili ang kapayapaan, seguridad at kaayusan sa lungsod.


Bilang bahagi ng kanilang hangaring mapanatili ang kapayapaan ay lumagda din sa Pledge of Commitment ang mga miyembro ng konseho kasama ang mga kawani ng pamahalaang lungsod, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at ilang Civil Society Organizations (CSO).


Ang SIPS status ay iginagawad sa mga bayan at lungsod kung saan walang naitalang presensiya ng mga kasapi ng mga Communist insurgent groups at kanilang mga kaalyado.

(Ulat mula sa PIA Laguna)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.