Bumaba sa 2.6 porsiyento ang inflation rate sa Lucena City noong Pebrero 2025 mula sa 4.4 porsiyento noong Enero.
Gayunpaman, mas mataas pa rin ito kumpara sa 2.2 porsiyento na naitala noong Pebrero 2024.
Ang pagbaba ng inflation ay pangunahing dulot ng mas mabagal na pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages, na bumaba sa 7.8 porsiyento mula sa 11.5 porsiyento noong nakaraang buwan.
Samantala, bumagal din ang food inflation sa 8.6 porsiyento, mula sa 12.5 porsiyento noong Enero 2025.
Malaki ang ibinaba nito kumpara sa 0.5 porsiyento na inflation rate noong Pebrero 2024, habang pinakamalaking dahilan ng pagbagal na ito ay ang pagbaba ng inflation sa gulay, root crops, plantains, cooking bananas, at pulses na bumagsak sa 5.9 porsiyento mula sa 31.5 porsiyento noong Enero.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #InflationRatesaQuezon