Incentives para sa mga Lagunense athletes
OpinYon Laguna

Incentives para sa mga Lagunense athletes

Feb 26, 2024, 2:42 AM
Opinyon Laguna News Team

Opinyon Laguna News Team

Writer

Bukod sa pagbibigay-karangalan sa lalawigan ng Laguna, may karagdagan pang incentives para sa mga atletang Lagunense na nagpunyagi sa 2023 National Batang Pinoy o Philippine Youth Games nitong nakaraang taon.


Sa isang Facebook post ngayong Martes, February 20, iniulat ng Laguna Provincial Information Office (PIO) na ipinamahagi na ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna nina Governor Ramil Hernandez at 2nd District Representatives Ruth Mariano Hernandez ang incentives para sa mga atleta na nagkamit ng medalya sa naturang patimpalak na ginanap mula December 16 hanggang 22, 2023.

Matatandaang umani ang Laguna delegation ng kabuuang 67 medalya - 20 gold, 20 silver, at 27 bronze - sa Batang Pinoy, habang ang Laguna Muaythai Team ay nagkamit naman ng kabuuang 15 gold, 13 silver, at 9 bronze medals.

Nagkamit din ng medalya ang mga atletang Lagunense sa Badminton, Karatedo, Pencak Silat, Wrestling, Taekwondo, Cycling, Arnis, Athletics at Table Tennis.

#WeTakeAStand #OpinYon #GovernorRamilHernandez #LagunaProvincialInformationOffice #Athletes #Sports


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.