Ilegal na LPG refilling station, ni-raid
PNP

Ilegal na LPG refilling station, ni-raid

Oct 22, 2024, 1:42 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang umano'y ilegal na refilling station ang ni-raid ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) sa Santa Cruz, Laguna nitong Lunes, October 14.

Ayon sa ulat ni CIDG chief P/BGen. Nicolas Torre III, aabot sa P7 milyong halaga ng LPG cylinders at refilling equipment gaya ng hoses, refilling valves, scales, at dalawang storage tanks na naglalaman ng 30 tonelada ng LPG ang nasamsam mula sa Buklod LPG Trading/Refilling Station sa Barangay Sto. Angel Norte.

Pitong trabahador ng nasabing refilling station ang inaresto matapos silang mabigong magpakita ng mga kaukulang papeles at permit para mag-operate ng LPG refilling facility.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11592 (LPG Industry Regulation Act) at Batas Pambansa 33 as amended by Presidential Decree (PD) 1865 (Illegal Trading of Petroleum Products).

Ayon sa mga awtoridad, bukod sa hindi masisigurong tama ang timbang ng mga LPG cylinder mula sa mga ilegal na refilling station ay delikado rin ang mga ito lalo na kung hindi wasto ang pagsasalin ng LPG sa mga tangke.

(Ulat mula sa PNA/OpinYon News Team; larawan mula sa CIDG)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #CIDG #PNP


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.