Ilegal na katayan ng baboy, bistado
In Focus: FOOD AND AGRICULTURE

Ilegal na katayan ng baboy, bistado

May 14, 2026, 1:07 AM
Jane Hernandez

Jane Hernandez

Contributor

Hindi pinalagpas ng mga awtoridad ang "mababoy" umanong proseso sa isang katayan ng baboy na nahuli nila sa isang inspeksyon sa Atimonan, Quezon noong Sabado, May 2.

Ayon sa Office of the Municipal Agriculturist ng Atimonan, maituturing na “hot meat” o karne na hindi dumaan sa tamang proseso ng inspeksyon at hindi kinatay sa akreditadong pasilidad ang mga karne ng baboy na nasabat sa nasabing lugar.


Sa ilalim ng Republic Act No. 9296, mahigpit na ipinagbabawal ang ganitong gawain dahil sa posibleng panganib sa kalusugan ng publiko, kabilang ang pagkalat ng sakit mula sa hindi ligtas na karne.


Pinaalalahanan ang publiko na tiyaking sa akreditadong slaughterhouse lamang nagmumula ang kanilang binibiling karne at sumunod sa wastong proseso ng meat inspection at kalinisan upang maiwasan ang banta sa kalusugan at mapanatili ang kalidad ng suplay ng pagkain.


Binigyan naman ng babala at pinagmulta ang operator ng nasabing ilegal na katayan matapos siyang dalhin sa tanggapan ng Municipal Agriculturist ng Atimonan.

Photo Courtesy: FITS Center Atimonan, Quezon- Office of the Municipal Agriculturist Facebook Page


#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.