Iba't ibang wildlife species, pinakawalan sa Quezon
Quezon

Iba't ibang wildlife species, pinakawalan sa Quezon

Dec 27, 2021, 5:36 AM
Jeanelle Abaricia

Jeanelle Abaricia

Writer

Aabot sa 69 na mga hayop ang isinailalim sa isang linggong rehabilitasyon bago pakawalan sa iba't ibang "protected areas" sa lalawigan ng Quezon.

Pinakawalan ng Department of Agriculture Calabarzon Regional Wildlife Center (DA-RWC) ang 62 wildlife species sa apat na Protected Area sa lalawigan ng Quezon kamakailan.

Aabot sa 69 na mga hayop ang isinailalim sa isang linggong rehabilitasyon bago pakawalan sa Mount Banahaw/San Cristobal Protected Landscape, Maulawin Spring Protected Landscape, Quezon Protected Landscape at Binahaan River Watershed Forest.

Ayon sa mga opisyal ng DA, isang Philippine scops owl ang itinuring nang "unfit for release" habang isang brown snake naman ang namatay.

"Bago pakawalan ay gumawa ng kulungan na kamukha ng isang natural habitat upang hindi mabigla, kapag tuluuyang pinakawalan," ani RWC Forester Raymund Mercurio

Nagsagawa din ang DA ng Communication, education and public awareness sa release site hinggil sa nakasaad sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.

Sa kabuuan ay walong release activities na ang isinagawa ng DA sa huling quarter ng 2021. (Larawan mula sa DENR Calabarzon)

Tags: #OpinYonQuezonin, #DepartmentOfAgriculture, #conservation, #wildlife, #protectedlandscape


More about Quezon

SLSU College of Medicine Building to rise in Lucban, Quezon

SLSU College of Medicine Building to rise in Lucban, Quezon

a day ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.