HR, gumamit ng 'ghost employees' para makakulimbat ng pera
OpinYon Laguna

HR, gumamit ng 'ghost employees' para makakulimbat ng pera

Nov 18, 2024, 8:01 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Hindi lang sa mga tanggapan ng gobyerno nagkakaroon ng "ghost employees," o mga pekeng empleyado na ginagamit upang makakulimbat ng pera.

Isang human resources (HR) employee ang arestado sa Biñan City, Laguna noong November 11 matapos mabuking na nagpasa ng mga "ghost employee" sabay bulsa sa pera ng manpower agency na pinagtatrabahuhan niya.

Kinilala ang suspek na si alyas "Kristian," 26 anyos, residente ng Barangay San Antonio, San Pedro City, Laguna at nagtrabaho sa isang branch ng manpower agency sa Biñan City.

Ayon sa ulat ng Biñan City police, nadiskubre ng mga tauhan ng main branch ng agency sa Tanza, Cavite na naglista umano si "Kristian" ng 69 na mga pangalan sa payroll ng branch nito sa Biñan City na sumuweldo umano ng aabot sa P125,000 noong buwan ng Oktubre.

Ngunit nang beripikahin ng main branch ang nasabing listahan ay natuklasang mga "ghost employee" pala ang nasabing mga empleyado.

Napag-alamang ibinulsa pala ng suspek ang perang nakuha sa nasabing listahan, dahilan upang ireklamo siya ng may-ari ng nasabing agency.

Nakadetine na sa Biñan City police station si "Kristian" na nahaharap sa kasong estafa.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.