Holdaper, timbog sa Cabuyao
Arrest

Holdaper, timbog sa Cabuyao

Mar 17, 2026, 3:39 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Nasukol ng mga awtoridad ang isang suspek sa insidente ng panghoholdap sa Cabuyao City, Laguna nitong nakaraang Lunes, March 9.

Ayon sa ulat ng Cabuyao City Police Station, nadakip ang hindi pinangalanang suspek sa isang follow-up operation matapos niyang looban ang isang tindahan sa Purok 1, Barangay Mamatid ng nasabing lungsod Lunes ng umaga.


Batay sa salaysay ng biktima, nagbabantay umano siya ng tindahan nang pumasok sa establisimyento ang isa sa mga suspek at agad na nagdeklara ng holdap.


Inutusan umano nito ang biktima na ilagay ang kanyang mga cellphone sa loob ng bag ng suspek.

Kinuha rin ng suspek ang perang nasa tindahan at isang tablet na nakapatong sa mesa.


Matapos ang insidente ay umalis ang suspek sakay ng isang motorsiklo na minamaneho ng kanyang kasabwat.


Kaagad na ipinaalam ng biktima ang pangyayari sa mga opisyal ng barangay at nagtungo sa himpilan ng pulisya upang magsampa ng pormal na reklamo.


Nadakip ang suspek bandang madaling-araw ng Martes, March 10, matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa isang concerned citizen na nakakita sa isang post sa social media ukol sa naturang insidente.


Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons laban sa suspek, habang patulog na pinaghahanap ang kanyang kasabwat.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.